Nakatakdang dalhin sa Lungsod ng Davao ang isang walong taong gulang na bata upang isailalim sa operasyon matapos na makalulon ng P5 coin.
Kinilala ang biktima na si Nelly Huliganga, residente ng Purok Maligaya, Barangay Magsaysay, Lungsod ng Koronadal.
Ayon sa biktima, umiiyak ito dahil sa sakit ng kanyang lalamunan at hindi nito masabi kung paano niya ito nalulon.
Makikita naman sa X-ray result na isinagawa sa bata ng South Cotabato Provincial Hospital ang mismong nakabara sa lalamunan ng bata sa naturang barya.
Ayon sa tiyo ng biktima, mula Provincial Hospital ay ini-refer sila sa isang pribadong hospital dahil wala umanong espesyalista na siyang magtatanggal ng barya sa lalamunan ng bata. photo from Bombo Radyo Koronadal Facebook
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
P5 coin, bumara sa lalamunan ng 8-anyos na bata sa Koronadal.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Wednesday, August 27, 2014
9:13 AM