Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Patay ang 69-anyos na matandang lalake dahil sa inis laban sa mga raliyista sa SONA ni P-Noy.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, August 2, 2014
11:53 AM
Patay ang isang matandang lalaki na kinilala kay Eddie Villanueva, 69-anyos at residente ng Lopez Jaena, Murcia, Negros Occidental dahil sa sobrang inis sa mga nagra-rally at bumabatikos kay Pangulong Benigno Aquino III.
Nanonood umano ang matanda kasama ang kanyang asawa ng SONA ni Pangulong Aquino noong araw ng Lunes ng biglang nanghilo si Villanueva at natumba.
Ayon sa Misis ni Villanueva, nainis umano ang biktima ng makita ang maraming rallyista sa kasagsagan ng SONA gayung marami naman nagawa ng pangulo para sa bansa.
Nagkomento pa umano ang kanyang Mister na walang dahilan ang mga nagra-rally na isisi sa pamahalaan ang kanilang dinaranas na kahirapan dahil malalaki naman aniya ang katawan ng mga ito.
Labis umano ang galit ng Mister kung saan tumayo pa ito sa harap ng telebisyon at dinuduro-duro ang mga raliyista.
Pinayuhan naman nito na kumalma.
Naging emotional naman ito sa huling bahagi ng SONA kung saan nakita nitong umiyak si Kris Aquino matapos naging emotional din si P-Noy.
Ilang saglit lang na pumunta sa kanilang kusina ang misis ay nakita nalamang nito ang mister na natumba na sa sahig sa kanilang sala.
Kaagad na isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit na-comma na ito matapos na-stroke.
Araw ng Miyerkules nang pumanaw ang biktima.