Napahagulgol na lamang sa pag-iyak ang isang negosyante nang dumulog sa Police Station makaraang mabiktima ng dalawang babae na pinaniniwala nitong miyembro ng Budol-Budol Gang.
Kinilala ang biktima na si Levina Wong, 48-anyos, ng Prk. Malakas, Brgy. San Isidro, GenSan.
Sinasabing habang nasa mall ang biktima at namimili ng damit ay may lumapit sa kaniya na isang mistisang babae na nagpakilalang isang exporter sa Malaysia at nagtanong kung may alam kung saan pwedeng bumili ng prawn preservative.
Matapos sinabing wala siyang alam nito ay isa na namang babae ang lumapit sa kanya at nagpresenta kung saan pwedeng makabili ng prawn preservative.
Hanggang sa sumama na ang biktima sa dalawang hindi kilalang suspek at sumakay ng van.
Habang sakay ng sasakyan, sinabi ng mga suspek na meron silang dalang P1.2 million na inilagay sa bag kasabay nang pagtatanong sa biktima kung meron itong bank account.
Sinabi naman ng biktima na meron siyang bank account at may lamang P450,000.
Dito na raw sinabi ng mga suspek na iiwan sa kanya ang bag kung saan nakakandado ito.
Dahil dito, nakumbinsi ang biktima na ibigay ang kanyang singsing, earrings at necklace na nagkakahalaga lahat ng P100,000.
Maliban rito, nag-withdraw rin ang biktima sa bangko ng P200,000 at ibinigay sa mga suspek.
Matapos nito ay pinababa ito sa Lagao National Highway bitbit ang bag ngunit nang pinabuksan sa technician ang kandado ng bag ay laking gulat nito nang makita ang mga intermediate pads.
Patuloy pang iniimbestigahan ang nasabing pangyayari. | via@BomboRadyo.com
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Pera sa bangko at mga alahas ng isang negosyante, natangay ng dalawang babae sa GenSan.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, August 16, 2014
11:18 AM