Sumampa na ang Pilipinas sa ranked number eight sa mga bansang lumahok sa trending na ALS Ice Bucket challenge.
Narito ang Ranked No.:
1. United States
2. Australia
3. New Zealand
4. Canada
5. Mexico
6. Brazil
7. Germany
8. Philippines
9. Puerto Rico
10. India.
Kinuha ang data mula June 1 hanggang August 17, 2014, batay sa data ng Facebook.
Pero kung may mga natutuwa, marami rin ang dismayado sa paraang ito dahil maaari naman umanong mag-donate nang hindi nagsasayang ng tubig, lalo na ngayong nakaamba ang kakapusan ng tubig sa mga dam.
Para sa DoH, mainam ang waraeness campaign para sa Amyotrophic Lateral Sclerosis, ngunit maaari rin itong magdulot ng panganib sa kalusugan kung walang gabay ng health authorities. photo from ChristalRock.com