Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Pinoy drug mule, bibitayin sa Vietnam.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, August 30, 2014
2:09 PM
Hinatulan ng parusang kamatayan ang isang Filipino na hinihinalang drug mule matapos mapatunayang sangkot sa kasong cocaine trafficking sa bansang Vietnam.
Kamatayan ang ibinabang hatol ng korte sa Hanoi laban sa akusadong si Emmanuel Sillo Camacho, 39-anyos, makaraang mapatunayang nagtangkang-magpasok ng 3.4 kilograms o katumbas ng 7.5 pounds na cocaine mula Brazil hanggang Vietnam.
Nabatid na naaresto ang nasabingFilipino noong nakalipas na Disyembre nang maharang ito sa Noi Bai International Airport sa Hanoi at makuha sa bagahe nito ang nasabing iligal na droga.
Itinanggi ni Camacho na pag-aari nito ang nasabing iligal na droga at sa halip ay itinuro nito ang isang ‘di nakilalang Pinay na nakatira sa Brazil na nangakong hahanapan ito ng trabaho sa nasabing bansa at may katumbas na suweldong $1,500 kapalit ng pagdadala nito ng nasabing iligal na droga.
Sa batas ng Vietnam, sino mang mahuhulihan ng iligal na droga na aabot sa 100 gramo ng heroin ay may katapat na parusang kamatayan. | via@ ABANTEnews