TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Pinoy nurses sa Libya, ni-rescue ang sanggol.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Wednesday, August 20, 2014

Minsan pang pinatunayan ng mga Filipino nurses na nagtratrabaho sa Tripoli, Libya ang pagka-bayani ng mga Pinoy kahit na nasa kagipitan o bingit ng kamatayan.

Isang walong buwan na babaing sanggol na nagngangalang Baby Abrar ang ni-rescue ng mga Filipino nurses na nagtratrabaho sa Al Afia Hospital, isang private hospital sa Tripoli mula sa ICU ng ospital nang bombahin ng mga rebelde ang sakup ng Qaser bin Ghaser sa Tripoli.

Ayun kay Adrian John Ambrosio, OFW na tubong Bicol at isa sa mahigit 30 Filipino nurses na nagtratrabaho sa Al Afia Hospital at isa rin sa nag-rescue sa sanggol na si Baby Abrar na lang ang natitira nilang pasyente nang mangyari ang pambobomba dahil agad inilipat ang ibang pasyente sa ibang ospital.

Ang sanggol ay kasalukuyang nasa ICU nang mangyari ang pambobomba ngunit imbes na ilikas na lamang ang kanilang sarili ang ginawa ng mga Filipino nurses ay hindi nila iniwan ang bata kundi dinala nila sa basement ng bahay ng kanilang amo at doon nila itinuloy ang pangangalaga at panggagamot sa sanggol.

Ngunit nang ilipat na sila ng kanilang employer sa isang safehouse saTripoli, ang bata ay kinuha na ng kanyang magulang at dinala sa ibang hospital.

Ani Ambrosio, natuwa sila sa sanggol dahil kahit ganun na ang kanilang situasyon ay tila lumalaban din.

Ang baby girl ay may sakit na sepsis kaya siya inilagay sa ICU ng ospital.

Sinabi ni Ambrosio na kahit ganun kagulo ngayun ang Libya ay hindi nila maisip ang umuwi dahil hindi sila pinababayaan ng kanilang employer,tuloy pa rin ang pagbibigay sa kanila ng sahod pati na ang kanilang pagkain.

Hindi naman naiwasan ni Ambrosio na ilabas ang kanyang hinanakit sa gobyerno lalo na sa Philippine Embassy sa Libya dahil daw noong nasa kagipitan sila ay tumawag sila sa embahada at ipinaalam ang kanilang situasyon ngunit wala man lang nagbigay ng importansiya sa kanila hanggang sa ngayun. | via@BomboRadyoLaoag

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments