Hinatulan na makulong ng isang taon at anim na buwan ang isang Pinoy na nagtatrabaho sa isang resort hotel sa Maui, Hawaii matapos mapatunayang pinagnakawan nito ang mga guests ng nasabing hotel.
Kinilala ang akusado na si John Bueno na mula sa Ilocos at isang bellman sa Grand Wailea Hotel.
Maliban sa pagkakakulong ay ipinag-utos pa ng korte sa Maui na magbabayad ng $73,000 bilang danyos ang nasabing akusado.
Nabatid na nangyari ang pagnanakaw ng akusado sa mga guests ng Grand Wailea Hotel noong Marso 2012 hanggang Pebrero 2013.
Kabilang sa mga ninakaw ng akusado ay mga alahas, electronic device, pera at iba pang mamahaling gamit ng mga guests at turista na nagtse-check-in sa nasabing hotel.
Pangunahing trabaho ng akusado bilang bellman sa nasabing hotel ay ang sumalubong sa mga guests kung saan mula sa pintuan ng hotel ay bubuhatin ang mga baggages at dadalhin sa kanilang kuwarto at storage ng hotel at matapos ang pagtse-check-in ay siya ulit ang bubuhat sa mga baggages papunta sa sasakyan ng mga guests patungong airport. | via@MannyPascua, Bombo Radyo Correspondent
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Pinoy sa Hawaii kulong sa pagnanakaw sa guests ng pinagtrabahuang hotel.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Sunday, August 24, 2014
9:24 AM