TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Policewoman sa La Union, usap-usapan ngayon sa social site.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Friday, August 1, 2014

Hindi akalain ni SPO3 Erlinda Gagaoin na magiging usap-usapan ito matapos mai-post sa social media ang larawan nito na pinapasan ang isang bulag na lola sa bayan ng Tubao sa lalawigan ng La Union.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay SPO3 Gagaoin, sinabi nito na wala siyang kamalay-malay na mayroong hindi nakilalang sibilyan ang kumuha ng larawan habang pasan niya ang 63-anyos na si Lola Rebecca Bataller.

Noong una ay nag-aalala ito matapos ipabatid sa kanya ng kasamahan sa serbisyo na si PO3 Marizel Tavas na inilagay nito sa kanilang Facebook account ang nabanggit na larawan na ibinigay ng sibilyan dahil hindi siya nakatamang bihis at baka pagalitan ng mga nakakataas na opisyal.

Makikita sa larawan na hindi siya nakasapatos at nakayapak lamang ito habang naglalakad sa pilapil.


Sa kwento ni SPO3 Gagaoin, nakita nila si Lola Rebecca sa labas ng Municipal Hall na matagal nang naghihintay sa kanyang anak na susundo sana pauwi sa kanilang bahay.

Nang makumbinsi ang lola ay isinakay nila ito sa mobile patrol ng pulisya at inihatid sa kanilang bahay na matatagpuan sa bukid.

Dahil sa hindi marating ng sasakyang ang nabanggit na tahanan ay tinanggal ni Gagaoin ang kanyang suot na sapatos at inilislis ang pagtalon at saka niya binuhat si Lola Rebecca.

Hindi umano inalintana ng babaeng pulis ang ambon habang nilalakad ang mabato at maputik na daan.

Sinabi pa SPO3 Gagaoin, na tinatayang 60 kilos ang timbang ni Lola Rebecca ngunit hindi naman siya masyadong nahirapan sa pagpasan dahil dati itong magsasaka na nagbubuhat noon ng saku-sakong palay.

Halos maluha naman sa tuwa ang pulis dahil sa mga natanggap nitong papuri at libu-libong netizens ang nag-like at nag-share sa naturang larawan.

Pinasalamatan naman ni Gagaoin ang mga kababayan na kumilala sa simple nitong ginawa para sa lola.

 Samantala, napaiyak naman sa tuwa si Lola Rebecca dahil sa ipinamalas na kagandahang loob ng nasabing pulis.

Nagpapasalamat din ang lola kay Gagaoin dahil sa nagsilbi ito bilang kanyang mga mata at paa upang makauwi sa kanilang tahanan.

Tatlong taon na umanong hindi nasisilayan ni Lola Rebecca ang liwanag dahil sa paglala ng karamdaman nito na diabetes kaya ito nabulag.

Sa kabilang dako, pinuri rin ni S/Supt. Ramon Rafael si SP03 Gagaoin dahil sa pagpapakita nito ng malasakit sa kapwa.

Ayon sa opisyal, napakalaking bagay ang ginawa ng policewoman sa pambansang pulisya at napatunayan sa pamamagitan ng mga magagandang reaksyon mula sa publiko dahil sa nasabing larawan na kinikilala rin ang kanilang ginagawang paglilingkod.

Dagdag pa ni S/Supt. Rafael, napakagandang huwaran bilang isang pulis si SPO3 Gagaoin.

Si SPO3 Gagaoin ay 25 taon na serbisyo bilang pulis at kasalukuyang nakatalaga sa Women at Children's Protection Desk o WCPD ng Tubao Municipal Police Station sa La Union.

Una rito, 24 na oras lamang ang nakalipas matapos mai-post sa Facebook ang nasabing larawan na pinagkakaguluhan na ito ng libu-libong netizens. report from Bombo Radyo La Union; photo from PNP; source: PNP La Union PPO

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S