TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Pope Francis, nagbabala laban sa pagkahumaling sa gadgets.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Sunday, August 17, 2014


Hinimok ngayon ni Pope Francis ang mga komunistang bansa sa Asya na magkaroon ng dialogue sa Vatican.

Sa kaniyang pagharap sa mga bishops ng 22 bansa sa Asya bilang bahagi pa rin ng kaniyang limang araw na biyahe sa South Korea, sinabi ng Santo Papa na walang choice ang Simbahang Katolika kundi makibagay sa iba't-ibang kultura kapag nakikipag-ugnayan sa mga Asian countries.

"On this vast continent, which is home to a great variety of cultures, the Church is called to be versatile and creative," ani Pope Francis.

Nabatid na ilang mga bansa sa Asya ang walang formal ties sa Vatican kabilang ang China at North Korea. Para umano sa "spirit of openness," umapela si Pope Francis sa naturang mga bansa ng panibagong simula na nababatay aniya sa kooperasyon at mutual respect.

Sana aniya ang nasabing mga bansa ay magkaroon ng dialogue sa Vatican.

"I honestly hope that those countries of your continent with whom the Holy See does not enjoy a full relationship, may not hesitate to further a dialogue for the benefit of all," dagdag pa ng Santo Papa.

Nagbabala rin ang Santo Papa laban sa umano'y superficiality.

Ayon ky Pope Francis, may posibilidad aniya lalo na ang mga kabataan, na mahumaling sa gadgets at iba pa umanong distraction na nakakalimutan na ang mahahalagang bagay.

"(There is a) tendency to toy with the latest fads, gadgets and distractions, rather than attending to the things that really matter," wika pa ni Pope Francis.

Sinabi ng lider ng Catholic Church na balang araw, maari itong maging problema sa simbahan.

"In a culture which glorifies the ephemeral, and offers so many avenues of avoidance and escape, this can present a serious pastoral problem." | via@Bomboradyo.com; photo from TheGuardian.com

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments