Tilang paslit ang isang pulis habang umiiyak sa harapan ni Gen.San Mayor Ronnel Rivera para magsumbong matapos binugbog at tinutukan siya umano ng baril ni Public Safety Company Supt. Leo Sua ng General Santos City Police.
Mangiyak-ngiyak si PO2 Dave John Nario nang ipinakita sa mayor ang mga pasa sa dibdib.
Ayon kay PO2 Nario, nagalit umano si Supt. Sua nang hinuli at nilagay niya sa selda ang isang Corina Sesnero, isang last 2 usher na umano'y kaibigan ng nasabing opisyal.
Kinumpirma naman ni Supt. Sua na pinatawag nito si PO2 Nario subalit nang kanyang tanungin ay bigla umano itong tumakbo palabas ng kampo kaya't nabangga nito ang isang kahon at pinto ng nadaanang cabinet na pinaniniwalaang dahilan ng mga natamong pasa ni PO2 Nario.
Itinanggi nito na binugbog niya ang nasabing pulis, taliwas sa sumbong ni PO2 Nario.
Nangako naman ang alkalde na paiimbestigahan niya ang nasabing pangyayari. photo from Gen.San City Police Office
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Pulis, mangiyak-ngiyak na nagsumbong sa mayor matapos binugbog ng opisyal.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Thursday, August 14, 2014
9:36 AM