Panalo ang isang pulis sa tinaguriang pinakamahabang ultra marathon sa Asya, ang South to North 280K.
Ayon sa Philippine National Police, natapos ni PO1 Brian Lou Guillen ng Lapu-Lapu Police Office ang naturang marathon sa total time na 24 oras at pitong minuto.
Isa si Guillen sa 14 runners na sumali sa ultra marathon sa Santander, Cebu na ginanap mula Hulyo 11 hanggang 13.
Anya, limang runners lang ang nakaabot sa cut-off time na 56 hour, tatlo ang tumuloy pa rin sa finish line sa Barangay Maya, Daan Bantayan, Cebu habang anim ang hindi na tinapos ang karera.
Naabot ni Guillen ang finish line matapos ang 51-oras, 13 minuto at 38 segundo.
Bago ang naturang marathon, sumali na siya sa Hardcore 100 Miles noong Enero 31 hanggang Pebrero 1, 2014.
Kinilala ng pulisya si Guillen sa dedikasyon nitong panatilihing malakas ang pangangatawan.
Matatandaang bago inanunsyo ang pagkapanalo ni Guillen ay ikinatuwa ng PNP ang pagsali ng isang pulis sa "Misters of the Philippines". | via@ABS-CBNnews.com; photo from twitter.com/LapuLapuCPOPCR