TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Putol na paa ng umano'y 8-anyos na bata, natagpuan sa masukal na lugar sa Albay.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Wednesday, August 6, 2014

Labis ang pag-aalala ngayon ng pamilya ng walong taong gulang na batang babae sa bayan ng Bacacay sa Albay matapos na may matagpuang naagnas na putol na paa ng tao sa masukal na bahagi ng kanilang lugar. 

Una nang napaulat na nawawala ang batang si Laiza Czherina Alfonzo y Beltran, residente ng Barangay Napao sa nasabing bayan nitong Hulyo 27 at hanggang sa ngayon ay wala pang balita ang kaniyang mga kamag-anak sa kaniyang kinaroroonan.

Agad namang sinuyod ng mga tauhan ng Bacacay Municipal Police Station (MPS) ang masukal na lugar kung saan natagpuan ang putol na paa sa pag-asang matagpuan ang iba pang bahagi ng katawan ng biktima.

Sa ngayon, nakatakdang isailalim sa forensic examination ang amputated leg para sa patuloy na imbestigasyon habang pinag-aaralan din ang pagsasagawa ng DNA testing sa paa upang matukoy kung ito nga ay pagmamay-ari ng nawawalanag bata. report from Bombo Radyo Legazpi; photo from en.wikipilipinas.org

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments