TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Sanggol sa GenSan na pinaniniwalaang patay na, muling nabuhay.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Monday, August 4, 2014

Usap-usapan ngayon sa GenSan ang isang sanggol na nabuhay matapos  pinaniniwalaan ng pamilya na ito ay pumanaw na.

Ayon sa ina ng bata na si Mrs. Catherine Alcala, inilabas na lamang umano nila ang dalawang linggong sanggol at pinagtatanggal ang mga aparato na nakakabit dito sa kadahilanang wala na umano itong pag-asa pa na mabuhay dahil sa ito ay may sakit sa puso at lalo pang lumalaki ang kanilang bayarin sa ospital.

Sa paglabas umano nila sa ospital ay napansin ng ina na hindi na humihinga ang bata kaya’t idiniretso na nila ito sa punerarya.

Iniwan ng mga ito sa punerarya ang bata at umuwi na muna at balak na balikan ito kinaumagahan.

Subali’t sandali pa lamang ang nakalilipas nang makauwi siya nang may tumawag sa kanya at sinabing buhay ang bata at muling itinakbo sa pagamutan.

Agad namang pumunta si Mrs. Alcala kasama ang kanyang Mister sa ospital at ganoon na lamang ang kanilang pasasalamat na ito’y humihinga at binigyan pa ng pag-asa ng maykapal ang kanilang anak na mabuhay na umanoy may sakit sa puso.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments