Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Viral video ng mga hubo't hubad na beachgoers sa Malaysia, kinabilangan ng isang Pinoy.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Thursday, August 7, 2014
9:36 AM
Iniimbestigahan na ng Malaysia ang kumakalat na video sa internet kung saan nakahubad ang mga beachgoers at nakikisali umano sa mga nudist activities sa isang resort sa Penang kabilang ang isang Pinoy.
Ang nasabing video ay nagpapakita ng 18 mga nakahubad na nag-skinny dipping sa dagat at sumali sa body painting at sayawan sa beach.
Iba't-iba naman ang reaksyon ng mga netizens sa limang minutong video kung saan tinawag itong kahihiyan.
Ilan sa mga opisyal ng Malaysia ay isinusulong na dapat parusahan ang resort na pinayagan ang malaswang aktibidad, maging ang 18 na nagpakita ng kanilang katawan.
Ayon sa Penang Police, apat sa mga ito ay Singaporeans, pitong Malaysian, dalawa mula sa Myanmar, isang Indian at isang Pinoy.