TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Walang Anti-Selfie Bill sa Kamara.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, August 30, 2014


Pinagdadahan-dahan ni House Committee on Public Information at Misamis Occidental Rep. Jorge Almonte ang mga nagbibigay ng bansag na Anti-Selfie Bill sa House Bill 4807.

Ayon sa opisyal, panlilito ang ginagawa ng mga nagpapakalat ng naturang maling "tag" sa panukalang batas na may pamagat na "Protection Against Personal Intrusion Act" dahil hindi naman ito "anti-selfie."

Paliwanag ni Almonte, ang ang isang tao ay kumukuha ng larawan, video at audio sa pribadong tao at saka gagamitin sa commercial purposes, iyon ang bawal.

Habang ang pagkuha ng litrato at video sa sariling mukha ay hindi kailanman ipagbabawal.

Dismayado rin si Buhay Party-List Rep. Lito Atienza sa bansag na anti-selfie dahil naliligaw umano ang konteksto ng mga nagpapakalat nito.

Payo ng mga mambabatas, magbasa muna ang publiko o sinumang magkokomentaryo dahil baka sa bandang huli ay mapahiya pa ang mga ito kapag nalaman ng tao na mali ang kanilang intindi sa isinusulong na panukalang batas. report from BomboRadyo.com

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S

Post your Comments