TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

2 elementary pupils, nahuling nagsi-sex sa loob ng CR; guro hinimatay.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Sunday, September 28, 2014

Hinimatay ang isang guro sa lalawigan ng Negros Occidental matapos makita ang hindi inaasahang eksena sa loob ng kanilang comfort room.

Sinasabing nawalan pa ng malay ang babaeng guro sa sobrang pagkagulat nang makita nito sa akto ng pagtatalik ang kaniyang dalawang estudyante na babae at lalaki.

Batay sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Bacolod, nangyari ang insidente sa silid ng isang public school sa Sur na bahagi ng lalawigan.

Ang mga pupil ay nasa pagitan lamang umano ng walo hanggang siyam na taong gulang.

Pinaniniwalaan na ang nagtulak sa dalawang bata ang sa paggawa sa naturang mga bagay ay ang nakitang video sa kanilang mga cellphone.

Una rito, ilang estudyante rin umano ang nahuli na nagtitipon-tipon at nanonood ng malaswang video gamit ang kanilang mga cellphone.

Ang naturang mga bata ay isinasailalim na sa kaukulang counselling ng kanilang paaralan. (Bombo Radyo Bacolod)

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S