Itinuturing ng pamilya ng limang taong gulang na bata na isang himala ang pagkakaligtas nito matapos mahulog sa balon na may lalim na 25-ft habang naglalakad ito pauwi sa kanilang bahay.
Nakilala ang biktimang si Manuel Ismael de Vera, residente ng Brgy. Poblacion, San Gabriel, La Union.
Sa ulat ng San Gabriel-Philippine National Police, pauwi na kagabi ang bata kasama ang kapatid nitong babae nang bigla niyang naapakan ang takip ng balon kaya ito nahulog.
Kaagad namang sumaklolo ang 41-anyos na si Fernando Velasco na pumasok sa nabanggit na balon upang iahon ang biktima.
Napag-alaman na dahil malalim at madilim sa loob ng balon ay bahagyang nahirapan si Velasco sa pagsagip kay de Vera kaya ginamit na lang nito ang kanyang paa upang doon kumapit ang bata.
Nagpatulong naman ito sa iba pang mga tricycle driver sa paligid na siyang nagbigay ng nylon rope upang hilain pataas ang dalawa.
Samantala, malaki ang pasasalamat ng pamilya de Vera dahil sa himalang pagkakasagip ng bata na nagtamo ng mga sugat sa kanyang ulo at likuran, habang napilayan rin ito sa paa dahil sa lalim ng balon.
Sinasabing hindi umano mahigpit ang pagkakasara ng nabanggit na balon kaya bumigay ang takip nito na gawa pa sa semento nang maakapakan ng bata.
Ginagamot pa rin ngayon sa Bacnotan District Hospital ang biktima dahil sa mga tinamo nitong sugat. via@BomboRadyo_LaUnion
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
5-anyos na bata, nahulog sa 25-ft na lalim ng balon, himalang nabuhay.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Friday, September 5, 2014
9:18 AM