TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

ASG nagbabanta na pupugutan nila ng ulo ang 2 German National kapag hindi maibibigay ang kanilang kahilingan.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Thursday, September 25, 2014

Kumakalat ngayon sa internet ang sinasabing sulat na ipinadala ng bandidong Abu Sayyaf Group o ASG sa website ng worldanalysis.net kung saan nakasaad ang pagbabanta ng grupo na pupugutan nila ng ulo ang isa sa dalawang German National na bihag nila ngayon kung hindi ibibigay ang kanilang kahilingan.

Lumalabas ang pangalan ng isang Abu Rami sa nasabing sulat at nakasaad dito ang unang kahilingan ng mga bandidong ay ang ransom money na umaabot sa P250 million kapalit ng ligtas na kalayaan ng mga bihag na sina Stefan Viktor Okonek, 71-anyos, at ang kasamahan nitong babae na si Herike Diesen, 55-anyos.

Ang pangalawang demand naman ng mga bandido ay tigilan na ang lahat ng suporta na ibinibigay ngayon ng gobyerno ng bansang Germany sa mas lalong tumitinding operasyon ngayon ng America laban sa grupo ng Islamic State o IS.

Kasama rin sa ipinadalang sulat ng ASG ang tatlong mga larawan kung saan makikita ang dalawang banyaga kasama ang mga armadong bandido.

Nagbigay pa ng ultimatum ang mga bandido hanggang sa October 10 at kung hindi pagbibigyan ang kanilang kahilingan ay gagawin nila ang pamumugot sa isa sa mga biktima.

Sinasabing ang nasabing ultimatum ay ibinibigay ng mga bandido sa mga kaanak ng mga biktima pati na ang gobyerno ng Germany at ng Pilipipinas.

Ito ang nakasaad sa nasabing sulat: “To the family of the two hostages, and to the Government of Germany and the Philippines: To achieve our demands, otherwise they will slaughter one of the two hostages, God willing. 1. and the first of our demands have to pay us 250 Million pesos versus release (in addition to the requirement of the second) . 2. and the second: to stop post support from the Government of Germany to America, in the killing of our Muslim brothers in Iraq and the Levant in general, and the Mujahideen of the Islamic State in particular. (deadline: 15 days)..”

Ang mga biktima ay pinaniniwalaang dinukot ng armadong grupo sa karagatan ng Palawan partikular sa Rio Tubbataha habang sakay ng kanilang yate nitong buwan ng Abril.

Grupo ni ASG Commander Jihad Susukan ang itinuturong responsabe sa pagdukot sa mga biktima.

Sa ngayon wala pang direktang pahayag ang Philippine authority tungkol sa lumabas na sulat pero una na ring kinumpirma ng otoridad na hawak ng ASG ang dalawang biktima at tinatago ngayon sa bulubunduking bahagi ng lalawigan ng Sulu kasama ang iba pang mga bihag na karamihan ay mga banyaga rin. | via@BomboRadyo.com

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S