Hindi na makilala ang bangkay ng isang babae nang matagpuan kahapon ng umaga sa Sitio Lamakan, Brgy.Babag, sa Lungsod ng Cebu.
Nabatid na lumuwa umano ang mata ng biktima at nasunog ang buong katawan nito nang matamaan ng kidlat.
Kinilala ang biktima na si Aspelita Mabini,48-anyos at residente ng nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay PO1 Michael Singson ng Cebu City Police Office kanyang sinabi na nawala umano ang biktima noong Biyernes ng hapon.
Lumabas sa imbestigasyon na nagpaalam umano ang biktima sa ina nito na si Cherilina Mabini para pumunta sa bukid.
Pero pagsapit ng gabi ay hindi pa nakauwi si Aspelita na ipinagtaka naman ng mga kaanak.
Sa pagsapit ng hating-gabi ay nagdesisyon na ang kapamilya na hanapin ang biktima.
Kahapon ng umaga, sa ilalim ng puno sa liblib na lugar natagpuan ang bangkay ng biktima at nakahandusay na ito sa damuhan.
Kalunos-lunos ang nangyari sa biktima pati na ang puno ay nabalian din ng sanga. (Bombo Radyo Cebu)
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Babae natamaan ng kidlat, patay, katawan sunog, mata lumuwa.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Sunday, September 28, 2014
9:20 AM
Facebook
Twitter
