TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Bride-to-be, inilibing sa araw ng kasal?

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Tuesday, September 16, 2014


Nabalot ng lungkot ang dapat sana ay masayang selebrasyon ng kasal makaraang madamay sa nangyaring pagsabog sa loob ng isang mall ang bride-to-be sa bansang Baghdad.

Ayon sa ulat, labis na kalungkutan ang nararamdaman ng mga kaanak ng nasawing si Raghda Yaqub, 24-anyos, na sa halip na sa simbahan ang tuloy dahil sa ikakasal ito ay napalitan ito ng libing.

Suot pa ang wedding dress nang ilibing si Raghda, isang Kristiyano, sa mismong araw dapat ng kasal nito noong nakalipas na Huwebes.

“Last Thursday was her engagement, and this Thursday we buried her,” ayon sa ina ng biktima na si Sana. 

Nabatid na nangyari ang trahedya, nang magtu­ngo ang biktima kasama ang fiance nitong si Alaa, biyenan at 5-taong gulang na pamangkin sa mall upang bumili ng makakain.

Subalit ilang minuto ang lumipas ang tatlong magkakasunod na pagsabog ang umalingawngaw sa Ghadeer kung saan nasunog ang nasabing shopping mall at iba pang establisimiyento.

Sugatan si Alaa habang nadamay sa mga nasawi ang ina nito, pamangkin at ang bride-to-be niya na kabilang sa 19-katao na namatay dahil sa pagsabog. (Noel Abuel)

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S