TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Dalagita na-gang rape, video na kinunan kinalat ng tiyahin.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Friday, September 19, 2014

PONTEVEDRA - Nagpasaklolo sa Bombo Radyo ang isang 14-anyos na dalaga matapos diumano'y nabiktima ng gang rape sa Pontevedra, Negros Occidental.

Sinabi ng biktima na si alyas Katkat, noong Mayo 3, 2014 nangyari ang panggagahasa sa kanya ng pitong kalalakihan habang ipinagdiriwang ang family reunion ng pamilya Galve na kamag-anak ng kanyang yumaong ina sa Brgy. Miranda, Pontevedra.

Naniniwala si Katkat na nilagyan ng sleeping pills ang kanyang pagkain at inumin nang gabing iyon dahilan ng pagkaramdam nito ng sobra pagkaantok pagkatapos kumain.

Ayon kay Katkat, natutulog na siya kasama ang dalawang batang binabantayan nang ginising ito at pinagamit ng droga kaya hindi nito naramdaman ang halinhinang panggagahasa sa kanya.

Nitong huli lang nalaman ng biktima na kinunan pala ng video ang pangga-gang rape sa kanya na naging daan ng pagkakakilala sa isa sa mga suspek na si Francis Ilorca matapos kumalat ang naturang video.

Malaki ang paniniwala ni alyas Katkat na may kinalaman sa krimen ang tiyahin nitong si Rizza Galve na siyang may-ari ng bahay kung saan nangyari ang panggagahasa.

Dagdag pa nito, malaki umanong halaga ng pera ang kinita ng kanyang tiyahin sa pagpapakalat ng video ng panggagahasa sa kanya. | via@BomboRadyo_Bacolod

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S