TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Estudyante naloko ng 'GF' na bading pala na nakilala sa Facebook.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Sunday, September 28, 2014

Nanlumo ang isang estudyante makaraang matuklasang bading pala ang kanyang naging kasintahan sa loob ng 10 buwan.

Humingi ng tulong sa Ilagan City Police Station si Mark, hindi tunay na pangalan, 18-anyos, makaraang maghinalang ang nagpanggap na kaibigan ng kanyang kasintahan ay siya rin ang nagngangalang “Angel” na kanyang kasintahan.

Ayon kay Mark nabighani siya sa mga magagandang larawan ni “Angel” sa Facebook na kanyang niligawan at naging kasintahan.

Habang lumilipas ang panahon ay umuutang na si “Angel” kay Mark ng pera na umabot sa P21,000.

Minsan na namang kukunin ng suspek na si Ranzel Morales, 19-anyos, ang perang ipapadala kay “Angel” ay naghinala na ang biktima kaya't humingi na ng tulong sa pulisya.

Kinapkapan sa bulsa si Morales at dito nakita ang SIM Card na ginagamit nang nagpapakilalang kasintahang si “Angel.”

Sa pagsisiyasat ng pulisya, natuklasang si “Angel” at si Morales ay iisa at ginamit lamang ng bakla ang Facebook Account ng totoong Angel na kanya namang kaibigan.

Kung hindi maibabalik ng bading ang perang nautang sa biktima ay nagbanta siya na sasampahan ito ng kaukulang kaso. (BomboRadyo.com)

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S