Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Gilas panalo laban sa Kazakhstan pero laglag sa torneo.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Sunday, September 28, 2014
6:37 PM
Bagamat nanalo ang Gilas Pilipinas laban sa Kazakhstan sa score na 67-65, ngunit bigo itong umusad sa susunod na round ng Asian Games.
Kailangan kasi ng Gilas na tambakan ang Kazakhstan ng 11 points upang may tsansang makapasok sa next round.
Kung nagtagumpay sana ang Gilas na matambakan ang Kazakhstan ng 11 points ay makakapasok lamang ito sa next round sa oras na matalo ng South Korea ang team Qatar sa kanilang laban mamaya.
Sa third quarter ay umabot pa 18 points ang lamang ng Gilas laban sa Kazakhstan ngunit unti-unti itong bumaba sa pagtatapos ng fourth quarter.
Sa nalalabing 11 seconds sa fourth quarter sa score na 67-65, sinadyang pinasok ni Marcus Douthit ang bola sa ring ng kalaban para mag-overtime sa pagnanais na makuha ang 11 points ngunit hindi ito tinanggap ng referee.
Dahil dito laglag na ang Gilas sa torneo.