Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Gilas, tinapos ang kampanya sa makasaysayang panalo laban sa Senegal.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Friday, September 5, 2014
9:08 AM
Matapos ang apat na sunod-sunod na kabiguan, nakakuha na rin sa wakas ng panalo ang Gilas Pilipinas sa 2014 FIBA Basketball World Cup matapos talunin ang Senegal via overtime sa eskor na 81-79.
Ito na ang unang panalo ng Pilipinas sa Basketball World Cup matapos ang apat na dekada.
Nanguna para sa mga Pinoy sina Jimmy Alapag at Andray Blatche na kapwa may 18 points.
Matapos ang laban, masayang inikot ng Gilas players ang court para bigyang-pugay ang mga Pilipinong nanood sa Spain kasabay ng hindi maitagong emosyon bunga ng panalo. (photo from FIBA.com)