Pinag-uusapan at pinagpiyestahan ngayon sa publiko ang kumalat na video sa isang police officer ng GenSan City Police Office o GSCPO na nagsasagawa umano ng hazing sa ilan sa kanyang mga tauhan sa SWAT o Special Weapons and Tactics.
Hinihinalang nangyari sa loob ng Camp Lirasa lungsod ang nasabing insidente makaraang makunan ng video ng isa umanong pulis na hindi rin nakilala.
Kung saan malinaw na makikita ang mukha ni P/Insp Ryan Jay Capurcos, ang hepe ng SWAT.
Pinapalo nito ang ilang mga pulis habang naka-squat malapit sa isang kubo sa harap ng City Public Safety Company ng Camp Lira.