Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Higanteng kabute, natagpuan sa Agusan del Sur.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Friday, September 12, 2014
9:30 AM
Pinagkakaguluhan ngayon ng mga residente ng Purok 6, Brgy. Lanag, sa bayan ng Esperanza, lalawigan ng Agusan del Sur ang isang higanteng kabute o mushroom na mas kilala sa local term na ‘uhong’ dahil sa taglay nitong laki.
Ayon sa isa sa mga residenteng si Nora Dayag sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Butuan, ang kanyang mga pamangking sina Jigger Ayana at Ryan Olaivar ang nakakita sa higanteng kabute na mayroon pang mga maliliit ding puno nang sila’y magsadya sa kanilang maisan.
Natagpuan itong lumaki sa paanan ng kawayanan kung kayat hindi pa ito lumaking masyado dahil naipit sa mga puno ng kawayan.
Tumimbang ito ng 12-kilo habang umabot naman ng 80 centimeters ang diameter ng cap na may kapal na isang pulgada habang ang trunk naman ay 6 na pulgada ang diameter.
Dagdag pa ni Dayag, wala pang mga opisyal sa kanilang bayan at sa kanilang barangay ang may alam sa kanilang natagpuan dahil una nila itong ipinaabot sa Bombo Radyo Butuan na dinala naman nila sa kanilang bahay. | via@BomboRadyo_Butuan