TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Hustisya sigaw ng pamilya para sa 15-anyos na namatay sa hazing.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Saturday, September 6, 2014

BACOLOD CITY - Hustisya ang isinisigaw ngayon ng pamilya ng third year high school student ng Abkasa National High School sa Brgy. Mandalagan, Bacolod City na umano'y namatay dahil sa hazing.

Masama ang loob ni Kenneth Inventor, lolo ng biktimang si John Kurt Inventor, 15-anyos, ng Purok Ipil-ipil, Sitio Abkasa, Brgy. Mandalagan dahil matapos ang 15 taon nang pag-aalaga nila sa apo dahil sanggol pa lamang ito nang iniwan ng kaniyang inang nagtatrabaho sa Kuwait, ay basta na lamang itong mawawala sa kanila dahil sa pananakit ng ibang tao.

Ayon kay Inventor, Agosto 30, Sabado nang nakaraang linggo, nang sumuka ng dugo si John Kurt subalit sa halip na kulay pula, ay itim na dugo ang isinusuka nito.

Agad itong dinala sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital at doon nakita ang mga pasa nito sa magkabilang binti, mga paso ng sigarilyo sa paa, fracture sa kanang balikat at isang sugat sa puwetan na pinaniniwalaang sinaksak ng icepick.

Lunes ng umaga nang bawian ng buhay ang nasabing menor de edad.

Sinabi ng nakatatandang Inventor, hindi binanggit ang kaniyang apo ang mga maygawa ng pambubogbog sa kaniya at hindi rin ito sumasagot nang tinanong sa ospital.

Sa ngayon ay hinihintay ng Women and Children's Protection Desk o WCPD ng Bacolod City Police Office ang resulta ng isinagawang autopsy examination sa bangkay ng biktima.

Samantala, siguradong-sigurado umano si Mrs. Evelyn Casiano na walang hazing na nangyari sa loob ng kanilang eskuwelahan dahil walang nag-e-exist na gang o fraternities at mapayapa ang kanilang paaralan sa kabuuan.

Ito ang reaksyon ni Mrs. Casiano, principal ng Abkasa National High School sa Brgy. Mandalagan, Bacolod City nang hingan siya ng pahayag ng Bombo Radyo Bacolod tungkol sa pagkamatay ng kanilang Grade 9 high school student na si John Kurt Inventor na diumano'y namatay dahil sa hazing.

Ayon kay Mrs. Casiano, halos lahat ng mga kaklase, guro at adviser ng 15-anyos na si Inventor ay walang alam sa nangyari matapos na ipinulong niya ito kasama na ang discipline committee ng kanilang paaralan.

Anya, bago lamang sa kanilang paaralan si Inventor bilang transferee at napag-alaman niya na merong ibang barkada si Inventor sa labas ng eskuwelahan at kasama niya sa computer shops dahil mahilig ito umano maglaro ng computer games lalong lalo na ang online battle na Dota.

Sa ngayon, desidido ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso. | via@ BomboRadyo_Bacolod

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S