Unti-unti nang nararamdaman sa Pilipinas ang epekto ng bagyong si Luis matapos na pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility kaninang madaling araw.
Bagamat malayo pa ang bagyo ngunit ang outer clouds nito ay siyang nagpapaulan sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
Kaninang umaga ay natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 1,050 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro bawat oras habang mabilis ang usad sa 30 kilometro bawat oras sa direksyon ng kanluran hilagang kanluran.
Ayon sa Pagasa, kung hindi araw ng Linggo ay Lunes inaasahan ang landfall ng bagyo sa Hilagang Luzon partikular sa Cagayan Valley.
Sa ngayon ay wala pang umiiral na signals ang bagyo dahil may kalayuan pa ang sentro nito. | via@DOST_PAGASA
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Inaasahan sa Linggo magla-Landfall ang bagyong "Luis" sa Luzon.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Friday, September 12, 2014
9:18 AM