Umapela ng tulong sa gobyerno ang isang Overseas Filipino Worker o OFW sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ito’y dahil umaabot na sa P250,000 Saudi Riyal o katumbas ng P3 million sa Pilipinas ang kaniyang hospital bill dahil sa pambubugbog ng limang Saudi Nationals noong May 16,2014.
Sa salaysay ni Mac Comric Ravina, ng Kibawi, Bukidnon sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi nito na limang buwan na siya sa ospital at kahit magtrabaho ito ng habang buhay doon ay hindi niya ito mababayaran.
Kailangan umano niya ng tulong Pilipinas para makalabas na siya ng ospital.
Kwento nito, ayaw siyang palabasin ng ospital dahil sa malaking pagkakautang nito sa pananaitli sa ospital.
Nabatid kay Ravina na ayaw rin umano ng insurance company kung saan siya nagtatrabaho bilang salesman na bayaran ang utang nito sa ospital dahil malaki na ang bill at saka late na daw nagpaabiso ang ospital sa kanilang kumpanya.
Humingi siya ng tulong sa embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia subalit ang tugon aniya sa kaniya ng embahada ay hindi sila maaaring magbayad para dito dahil maaari naming ang kompaniya nito ang mananagot sa lahat ng mga gastusin sa ospital.
Ang masaklap pa aniya ay wala pang opisyal ng embahada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang nagtungo ng personal para kausapin siya kundi mga tauhan lamang ng embahada ang ipinadala doon.
Sinabi nito na pumapayag ang ospital na magbayad siya ng installment basis kung kaya't nais nitong malaman kung ano ba ang kayang itulong ng Pilipinas sa kaniya .
Samantala, bago ang insidente noong Mayo 16, 2014 naglalakad si Ravina alas-12 ng hatinggabi upang magtungo sa isang tindahan na malapit lamang sa kaniyangb tinitirhan upang bumili ng kaniyang pagkain.
Habang naglalakad ay may tumigil na isang kotse sa kaniya at saka sinabi ihahatid na siya sa kaniyang pupuntahan.
Sinabi nito na malapit lamang doon ang kaniyang pupuntahan subalit mapilit aniya ang isang Arabo na ipasok siya sa loob ng kaniyang kotse.
Lumaban umano siya kung kaya't sinuntok siya ng Arabo at saka naman siya gumanti ng suntok.
Huli na nang malaman nitong may apat pa palang Saudi Nationals sa loob ng kotse kung saan pinagtulungan siyang bugbugin ng mga ito.
Itinapon umano siya sa disyerto at saka pinukpok ng matigas na bagay sa kaniyang ulo dahilan para siya’y ma-comatose.
Samantala, itinuturing naman ni Ravina na pangalawang buhay na niya ito matapos na sabihin ng mga doctor na noong unang linggo nito sa ospital ay nacomatose ito at nasa 40 percent na lamang ang tsansa na mabubuhay siya. (BomboRadyo.com)
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Isang OFW umaapela ng tulong sa goberno dahil sa pambubugbog ng 5 Arabo.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Sunday, September 28, 2014
8:56 AM