TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Itinaas na sa alert level 3 ang Bulkang Mayon.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Tuesday, September 16, 2014


Itinaas na sa alert level 3 ang Bulkang Mayon, ito'y matapos makapagtala ng rockfall events at volcanic earthquakes sa nakalipas na mga oras.

Ang pagbagsak ng mga bato ay tanda ng pamumuo ng lava dome habang ang mga lindol naman ay hudyat ng pag-angat ng magma at volcanic gas activity.

Mas kapansin-pansin na ring banaag sa bunganga ng bulkan o crater glow.

Sa panayam ng DZMM kay Phiviolcs Director Renato Solidum, nangangahulugan ito na may magma na sa crater na ng bulkan.

Sa pagtataas ng alert level 3, posible ang "hazardous eruption" sa ilang linggo.

Tinututukan ngayon ang posibilidad ng 'explosion' na mas delikado kumpara sa isa pang uri ng eruption kung saan dahan-dahan lamang ang paglabas ng lava.

Bukod sa pagrekomenda ng pag-obserba sa 6-km radius Permanent Danger Zone o PDZ, palalawigin naman sa 7-km Extended Danger Zone o EDZ)ang babala sa southeastern side ng bulkan dahil sa banta ng rockfalls, landslides at biglaang pagsabog o pagguho ng dome na maaaring magdulot ng "hazardous volcanic flows." photo from Jonathan Magistrado

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S