Nananatiling kritikal ngayon sa ospital ang 62-anyos na lola matapos itong sabuyan ng gasolina at silaban ng kaniyang kapitbahay sa lalawigan ng Catanduanes.
Napag-alaman na pinaghinalaan ng suspek na si Marjal Pacay, 39-anyos, na isang mangkukulam ang biktimang kinilalang si Merly Tioxon, kapwa residente ng Salvacion St. Brgy. Canlubi sa bayan ng Pandan.
Naglalakad lamang umano ang biktima sa daan nang bigla itong salubungin ng suspek saka sinabuyan ng gasolina sa mukha at sinilaban na naging dahilan upang magtamo ng 3rd degree burn ang lola.
Sa imbestigasyon ng pulisya lumalabas na galit ang suspek sa matanda na siya nitong sinisisi sa pagkamatay ng kaniyang kapatid na hinihinalang dahil sa kulam.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek na agad na tumakas matapos ang insidente. | via@BomboRadyo_Legazpi
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Lola na pinaghinalaang mangkukulam, kritikal nang silaban ng kapitbahay.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Tuesday, September 9, 2014
2:26 PM