Tinadtad ng taga ng kanyang sariling apo ang isang lola sa Sitio Tigambong, Barangbang, San Remegio, Antique.
Ayon sa suspek na si Procopio Rufino Calawod, iginapos niya sa kamay at paa ang kanyang 84-anyos na lola matapos mapagkamalang aswang.
Matapos maigapos, doon na nito pinagtataga ang biktima kung saan humiwalay pa ang ulo nito sa kanyang leeg at gayundin ang ibang bahagi ng katawan.
Kasunod nito, ibinalita pa ng suspek sa kanilang mga kapitbahay ang kanyang ginawa at sinabihan ang mga ito na puntahan sa kanilang bahay ang kanyang pinatay na aswang.
Kaagad namang nahuli ang suspek at ikinulong sa karsel ng San Remegio Police Station at nakatakdang ilipat sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology.
Sa pag-usisa ng mga otoridad, ang suspek ay nakaranas noon na diperensya sa pag-iisip at ito ang posible dahilan ng pagpaslang nito sa kanyang lola. | via@BomboRadyo_Iloilo
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Lola, patay sa taga ng sariling apo matapos daw mapagkamalang aswang.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Tuesday, September 9, 2014
2:32 PM