TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Lolo pinatay matapos napagkamalang aswang.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Tuesday, September 9, 2014

BACOLOD CITY - Naninindigan ang 38-anyos na lalaki na isa umanong aswang ang kanyang nakasalubong kaya niya ito pinaslang.

Ito ang panganagatwiran ng driver na si Christopher Trucio ng Calatrava, Negros Occidental at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Estefania, Bacolod City matapos napatay ang biktimang si Ludigari Gulmatico ng naturang barangay.

Batay sa salaysay ni Trucio, isang matandang lalaki ang humarang sa kaniya sa daan habang papauwi sa Brgy. Estefania noong isang gabi matapos ang pamasada sa jeep.

Aniya, nagbabaga umano ang mata ng matanda at walang saplot sa katawan na humarang sa kanya kaya nito ito sinaksak.

Matapos na nasawi ay doon nakilala ang biktima na sinasabing halos na makakalakad kaya lumakas ang paniniwala ng suspek na asawang talaga ito dahil nakalabas ito sa kanilang bahay sa dis oras ng gabi. 

Dagdag pa ni Trucio, matunog na ang haka-haka sa naturang lugar na aswang talaga ang naturang biktima. 

Naka-detain ngayon sa Police Station 4 ang salarin at sinampahan na ng kaso ng pamilya ng matanda. | via@BomboRadyo_Bacolod

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S