Tila nabahag na naman si Floyd Mayweather sa usaping labanan si Filipino Ring Icon Manny Pacquiao.
Ito’y nang halos wala pang 24-oras ay bawiin ang naunang naging pahayag na handa na siyang labanan ang Pambansang Kamao.
Matapos niyang kumbinsidong talunin si Marcos Maidana via unanimous decision noong Sabado ng gabi sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.
Agad na inulan ng tanong si Mayweather hinggil sa susunod niyang laban at tanging si Pacquiao lamang ang nababanggit ng mediamen na pangalan.
Sinabi ni Mayweather na puwede nang pag-usapan ang 2015 fight nila.
Pero, binawi ito ng undefeated American fighter, sa pahayag na hindi niya kailanman inisip si Pacquiao.
At kung mangyayari umano ang laban nila ay saka niya ito pagtutuunan ng pansin.
Ibinaling pa niya ang pahayag sa pagsasabing, dapat intindihin ni Pacquiao ang laban nito kay Chris Algieri kaysa ang paghamon sa kanya.
Maging ang chief executive ng Mayweather Promotions na si Leonard Ellerbe ay nagsabing si British boxer Amir Khan ang potensiyal na susunod na makakalaban ni Mayweather. (Zaldy Perez)
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Mayweather nagbago na naman ng isip?
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Tuesday, September 16, 2014
9:15 AM