Patok na patok ngayon sa isang bayan sa Albay ang tinatawag na "selfie evacuation."
Halos aabot sa 700 mga pamilya ngayon sa bayan ng Sto. Domingo ang nagtatayo ng sarili nilang temporary evacuation centers.
Ayon Kay Mayor Herbie Aguas, mas pinipili ng mga residenteng mula sa 6km danger zone ang magtayo ng mga barong-barong o bahay-kubo kaysa tumira sa mga paaralan.
Sa pagtatayo ng nasabing kubo, tulong-tulong ang mga magkakapamilya at maging ang karamihan para magbayanihan.
Dagdag pa ni Aguas, ang nasabing hakbang ay mismong naisip ng mga evacuees dahil ayaw naman ng mga ito sa siksikan na mga paaralan at magkakaroon umano ng privacy kahit papaano ang isang pamilya.
Taong 2001 ng una ng simulan ng mga residente ang ganitong hakbang dahil na rin sa kadalasan na banta ng pagsabog ng bulkan Mayon. (Video from BANDILA)