TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Suspects sa 'viral photo' ng kidnapping, mga pulis.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Thursday, September 4, 2014

Totoong may nangyaring kidnapping, ito ang kinumpirma ngayon ng PNP sa larawan na kumakalat ngayon sa social networking sites tulad ng Twitter at Facebook kung saan makita ang mga armadong kalalakihan na tinututukan ng baril ang isang sasakyan sa EDSA noong nakaraang Setyembre 1, 2014.

Maliban sa pagkumpirmang totoong kidnapping ang insidente, inisyal na inilahad din ng pulisya na mga pulis ang sangkot sa insidente.

Sinasabing mayroon ng isang nahuling suspek s at ito ang nagturo sa iba pang mga kasamahan kung saan may kabilang pa umanong mataas na opisyal ng PNP.

Hindi naman binanggit kung na-rescue na ang biktima nang pangingidnap.

Matatandaan kumalat sa Twitter at Facebook ang larawan na kuha mula sa southbound lane ng Edsa bago dumating ng Ortigas fly over kung saan makikita ang limang kalalakihan na tinututukan ng baril ang isang Toyota Fortuner.


May ilang mga nakasaksi at nakarinig ng insidente kung saan sumisigaw pa umano ang mga suspek at pilit na pinabababa ang driver at saka pilit na pinasasakay naman sa isang Honda Civic.

Isa sa mga suspek ang siyang pumalit at nagmaneho na ng Fortuner.

Napakabilis umano ng pangyayari kaya hindi na naplakahan man lamang ang pinagsakyan ng biktima.

Pinaghahanap na ngayon ang orihinal na nag-post ng picture, pero binura na umano nito ang larawan at ang kanyang Twitter account. | via@BomboRadyo.com

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S