TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

1 guro at 6 estudyante, sinapian ng 'Bad Spirit'?

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Tuesday, October 28, 2014


Anim na estudyante at isang guro sa isang pribadong paaralan sa lungsod ng Argao, Cebu ang sinasabing sinapian umano ng masamang espiritu kahapon ng umaga.

Nagulantang ang kaklase nang unang sumigaw umano ang isang nakaupo na 16-anyos na estudyanteng babae kung saan tila sinaniban ng isang "demonyo na nagpupumiglas."

Ayon sa mga kaklase, hindi umano maintindihan ang mga salitang binabanggit ng mga nasapian sapagkat nagbago ang boses ng mga ito.

Matapos nito ay sunod-sunod na ring nawala sa sarili ang lima pang estudyante na mga lalaki at isang guro na parang nasapian na rin.

Sa ngayon ay nakatakdang dalhin ang nasabing mga estudyante sa kilalang exorcist sa Cebu na si Msgr. Fred Kriekenbeek para masiguro na ligtas na ang kalagayan ng mga ito.

Agad namang sinuspinde ang klase.

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S