Patuloy pa ang imbestigasyon ng Women and Children's Protection Desk ng Bacolod City Police Office kaugnay sa kaso ng isang Grade 1 pupil sa Lungsod ng Bacolod na nakuhanan ng pitong sachet ng suspected shabu.
Ang anim na taong gulang na batang lalaki ay residente ng Purok Cagaycay, Brgy. Dos, Bacolod City at nag-aaral sa Andres Bonifacio Elementary School II.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakuha sa bata ang tatlong malalaki at apat na maliliit na sachets ng suspected shabu.
Ito ay nalaglag mula sa aklat matapos inatasan ng kanyang guro ang bata na basahin ang nakasulat dito kaugnay sa kanilang tinatalakay na leksyon kahapon.
Matapos nalaglag ay dinampot ito ng kanyang kaklase at ibinigay sa guro na siyang nagdala naman ng mga crystalline substance sa school principal.
Kaagad tumawag ng pulis ang principal at sa kanilang pagresponde ay hinanap ang bahay ng bata kung saan naroon ang ina na inimbitahan sa police station.
Inamin ng ina na sa kanya ang mga sachets na naiwan niya sa aklat ng kanyang anak at nakalimutang kunin kaya nadala ito sa paaralan.
Napag-alaman na ang Brgy. Dos ay isa sa mga barangay sa Bacolod na talamak ang pagbibenta ng illegal drugs. (BomboRadyoBacolod)
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
6-anyos na Grade 1 pupil sa Bacolod, nakuhanan ng ilang sachet ng shabu.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Wednesday, October 8, 2014
6:28 PM