Higit 9.3 milyong pamilyang Pilipino ang nagugutom habang 7.36 milyong bata ang kulang sa sapat na nutrisyon.
Ito ang ibinunyag ni Sen. Grace Poe chairperson ng Senate committee on public information and mass media, kasabay ng kanyang isinagawang talumpati sa Senado.
Dahil dito nanawagan si Poe ng pangkalahatang "re-engineering" ng mga programa ng pamahalaan upang masugpo ang gutom at malnutrisyon.
Inisa-isa ni Poe ang mga hakbangin upang matugunan ang gutom at malnutrisyon.
Kabilang dito ang pagsasabatas ng Senate Bill (SB) 79 na naglalayong magtatag ng libreng tanghalian para sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan; SB 2089 na humihikayat sa corporate farming; SB 1282 na nagbibigay insentibo sa mga Pilipinong magbalik at mag-invest sa agrikultura at ang National Land Use bill. report from BomboRadyo.com
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Ayon kay Sen. Poe, 9.3 milyon na pamilyang Pilipino, nagugutom.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Monday, October 27, 2014
6:21 PM