Mariin nang ipinagbawal sa mga bank employee ang paggamit ng cellphone dahil sa ikinasang panuntunan kaugnay sa paghihipit ng mga bangko sa bansa para sa seguridad laban sa mga krimen na nangyayari sa mga establisyimento.
Base sa House Bill 5033 na inihain ni Bulacan Rep. Gavini Pancho o ang “Cell Phone in Banks Prohibition Act of 2014”, tuwing break at nasa harap lamang ng kliyente pwedeng gumamit ang mga empleyado ng cellphone.
Gayunman, pinayagan naman ang mga medical doctors at emergency health care practitioners na gumamit ng cellphone sa loob ng bangko dahil sa posibilidad ng emergency.
Nabatid na noon pa ay ipinagbabawal na ang paggamit ng cellphone sa tuwing papasok ang isang kliyente sa bangko at sila lamang ang sakop nito.
Wala pa umanong batas na susuporta para sa paghihigpit ng seguridad kaya kailangan ang nasabing panukalang batas.
Sa ilalim ng nasabing batas, ang hindi susunod rito ay magmumulta ng P1,000 hanggang P2000. (JOHNNY ARASGA, REMATE)
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Cellphones bawal na sa mga bank employee
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, October 11, 2014
6:22 PM