BACOLOD CITY - Isinilang na normal ng isang ginang ang magkadikit na sanggol o conjoined twins sa Calatrava District Hospital sa bayan ng Calatrava, Negros Occidental.
Kinilala ang ginang na si Maricel Bangiran, 30, ng Bgy. Lalong, bayan ng Calatrava na nagsilang kahapon ng umaga.
Ayon sa chief nurse ng ospital na si Cecile Baron, malaki ang kanilang pasasalamat na naging matagumpay ang pagpapaanak ni Dr. Gabby Palacios ang mismong chief of hospital sa ginang sa pamamagitan ng normal delivery.
Kadalasan sa mga nanganganak ng conjoined twins ay sa pamamagitan ng ceasarian section ngunit sa kaso ni Maricel ay nakayanan nito ang hirap sa kabila ng katotohanan na maliit lamang itong babae.
Magkadikit ang dibdib hanggang sa tiyan ng kambal na kapwa babae at may bigat na 4kg.
Malusog naman ang kambal ngunit pagkatapos nang panganganak ng ginang ay kanila itong ini-refer sa Western Visayas Regional Hospital sa lungsod ng Bacolod upang mapangalagaan ng husto dahil kulang ang mga medical equipments sa kanilang ospital.
Layunin din nito na masuri rin ng mga dalubhasang doktor ang mga sanggol kung maaari pang maihiwalay ang magkadikit na katawan ng kambal.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Conjoined twins, ipinanganak nang normal.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Friday, October 24, 2014
6:41 PM