TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Conjoined twins sa Negros Occidental, pumanaw na.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Sunday, October 26, 2014

BACOLOD CITY - Binawian na ng buhay kahapon ang conjoined twins na isinilang sa Calatrava District Hospital, Calatrava, Negros Occidental noong Miyerkules ng umaga.

Sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital o CLMMRH sa lungsod ng Bacolod namatay ang dalawang baby girl na iniluwal ni Maricel Bangiran, 30-anyos, residente ng Brgy. Lalong, Calatrava.

Plano pa sanang operahan ang Bangiran conjoined twins na kapwa may kani-kaniyang puso at baga ngunit iisa lamang ang kanilang bituka.

Kinuha na ng mag-asawang Bangiran ang kanilang sanggol at dinala na pauwi sa bayan ng Calatrava.

Una rito, sinabi pa ng mga doctor na malaki ang posibilidad na mahiwalay ang magkadikit na dibdib at tiyan ng dalawang sanggol.

Ito’y dahil maaaring lagyan lamang ng artificial intestine ang isa sa kanila kagaya ng ginagawa sa mga pasyente na may cancer sa intestine.

Una na ring nabanggit ni Dr. Gabby Palacios, ang chief of hospital ng Calatrava District Hospital, delikado at peligrosong tungkulin ang kanyang ginampanan nang paanakin sa pamamagitan ng normal delivery si Maricel dahil kadasalan ay isinasailalim sa ceasarian section ang ganoong sitwasyon.

Ani Dr. Palacios, nagdesisyon sila na paanakin si Bangiran ng normal dahil batay sa ultrasound dahil sa akala nila isang sanggol lamang ang ipinagbubuntis nito ngunit nang lumabas na ang ulo ng sanggol ay nabigla sila ng may isa pang ulo ng sanggol na sumusunod. report from Bombo Radyo Bacolod

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S