Dahil inaasahan na ang pamimili ng pang-dekorasyon para sa Pasko, naglabas na ng panuntunan ang Department of Trade and Industry o DTI sa pagbili at paggamit ng Christmas lights.
Ayon kay DTI Director Peter Mangabat, mainam na piliin ang brand ng bibilhin mula sa listahan ng DTI-Certified Christmas lights.
Tingnan din kung ang set ng bibilhing pailaw ay may import commodity clearance o ICC stickers sa wires o package nito.
Ang ICC mark ay patunay na ligtas gamitin ang produkto at pasado sa mga isinagawang pagsusuri ng Philippine National Standards.
Nagbabala naman ang DTI na may pekeng ICC mark stickers na pre-printed sa packaging ng mga produkto.
Ayon kay Mangabat, ang tunay na ICC mark ay foil-like hologram stickers na may ICC seal, serial number at year of certification.
Hanapin din sa package ang kumpletong pangalan at address ng importer o distributor at bansang pinanggalingan ng produkto.
Payo ni Mangabat, huwag iwanang nakabukas nang magdamag ang Christmas lights at iwasang pagdugtungin ang mga ito ng higit sa tatlong sets. | via@ABS-CBNnews.com; Source from DTI
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
DTI, naglabas ng guidelines sa pagbili at paggamit ng Christmas lights.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Wednesday, October 22, 2014
6:34 PM