Sa kabila ng kahirapan na nararanasan ng pamilya ni Denver Ponce, Grade 2 pupil ng Estanza Elementary School, ay hindi pumasok sa isip nito na akuin ang perang hindi sa kanya.
Itinuturing ngayon ng kanyang mga kabarangay at mga kaklase na isang modelo ang walong taong gulang na bata dahil sa pagiging honest nito.
Napag-alaman, nakuha ni Ponce ang wallet na may laman na P5,000 na pagmamay-ari ng nagngangalang Christopher Moron.
Matapos mapulot ng bata ang wallet ay hindi umano ito nagdalawang-isip na pumunta sa barangay hall upang i-turnover sa opisyal ang kanyang nakuha.
Hindi rin umano binuksan ng bata ang wallet dahil nagulat ito sa dami ng perang kanyang nakita nang kalkalin ng kapitan ang laman nito.
Labis naman ang pasasalamat ng may-ari ng nawalang wallet sa bata.
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Grade 2 pupil na nagsauli ng wallet, pinarangalan sa Legazpi
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Friday, October 24, 2014
6:27 PM