TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Huwag pakampante sa 'friends only tags' sa Facebook.

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Friday, October 24, 2014

Mistulang naalarma ang mga netizens matapos ang naging paalala ng Supreme Court o SC kaugnay sa mga "friends only tags" sa social networking site na Facebook.

Sa iba't ibang social media, panay ang retweet at repost ng mga netizens o yaong mga mahilig mag-Internet hinggil sa artikulo kung saan nagbabala ang SC na walang kasiguraduhan kahit nasa "private" pa ang setting sa Facebook.

Ang nasabing abiso ng Korte Suprema ay kasunod ng naging ruling nito sa kaso ng mga controversial photos ng menor de edad na estudyante mula sa isang Catholic all-girls school, na ini-upload umano ng kanilang kaibigan pero naka-"friends only" lamang o sa pag-aakalang hindi makikita ng mga hindi nila ka-Facebook.

Nanindigan ang SC na hindi nilabag ng pamunuan ng St. Theresa's College o STC Cebu ang privacy ng limang estudyante matapos makita ang mga pictures ng mga ito habang umiinom at naninigarilyo suot lamang ang kanilang undergarments habang nasa kalsada.

Nabatid na hindi sila pinagmartsa sa graduation noong 2012, dahilan upang maghain ng reklamo ang mga magulang ng mag-aaral.

"It is well to emphasize at this point that setting a post's or profile detail's privacy to 'Friends' is no assurance that it can no longer be viewed by another user who is not Facebook friends with the source of the content," saad ng kataas-taasang hukuman.

Umabot sa SC ang isyu matapos ibinasura ng Cebu City Regional Trial Court Branch 14 petisyon na habeas data ng mga magulang dahil "the photos, having been uploaded on Facebook without restrictions as to who may view them, lost their privacy in some way." | via@BomboRadyo.com; source Supreme Court

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S