Binalaan ng Ecowaste Coalition ang publiko na mag-ingat laban sa imported na kandila mula sa China, na ibinibenta sa Binondo.
Ayon sa grupo, ipinagbabawal na sa ibang bansa ang paggamit ng naturang mga kandila, dahil sa mataas na lead content ng mga ito.
Batay sa pag-aaral ng grupo, 20 sa 30 na kanilang binili ay naglalaman ng 207, 350 parts per million na lead, sa kanilang wicks, o yung bahagi ng kandila na sinisindihan.
Sinabi ng grupo na ang mga kandilang kanilang nabili ng tig-P150 kada pares na may kulay puti, pula at dilaw, ay nakalagay sa gourd at pineapple shaped na glass container, mula sa tindahan na nagbebenta ng mga Chinese prayer articles. (Johnny Arasga, REMATE)
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Kandila mula China ibinabala.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Tuesday, October 28, 2014
6:05 PM