TRENDING PORTAL

ISTORIKITIK



    Quote of the Day



Pinoy Blogger

VIDEO

TAMBAYAN STORIES



TIPS

Mga namatay sa supertyphoon Yolanda sa Tacloban nagpaparamdam?

Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.com
Posted at Friday, October 31, 2014

Kumakalat ngayon ang mga kwentong katatakutan sa ilang mga lugar sa Tacloban na malubhang sinalanta ng supertyphoon Yolanda, mag-iisang taon na ang nakakaraan.

Ilan sa mga taong nakaligtas ang nakaramdam nang umano'y pagmumulto ng ilang mga namatay dahil sa bagyo.

Una rito, naging usap usapan ang sinasabing ilang multo na sumasakay sa mga pampasaherong jeep na biyaheng Tacloban DZR Airpot sa San Jose na isa sa mga na-wash out na lugar sa pagtama ng storm surge.

Kwento ng ilang mga driver, natatakot silang magbiyahe sa gabi papuntang San Jose dahil na rin sa nangyari sa isa sa mga kasamahan ng mga ito na nagkwento nang minsa'y may isang pamilyang sumakay at nagpahatid sa kanilang bahay sa may Brgy. 88, San Jose.

Laking gulat umano ng driver nang makitang basa ang mga damit ng kanyang mga pasahero at bigla na lang naglaho.

Napansin din na kakaunti na ang nagbibiyahe tuwing gabi papuntang San Jose lalo na't wala pa rin naitatayong mga streetlights sa lugar na dati ay magdamagan ang biyahe.


Usap usapan din ang naririnig na pag-iyak ng karamihan ay boses pa umano ng mga bata na animoy humihingi ng tulong na sinabayan pa nang pag-ungol ng mga aso tuwing gabi na lalong nagpatindig sa balahibo sa mga residente. | via@BomboRadyo.com

TambayanNiJondelPH.blogspot.com

RELATED ARTICLE'S