Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Mga pekeng herbal food supplement, ibinabala.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Saturday, October 11, 2014
6:19 PM
Nagbabala ngayon ang Food and Drug Administration o FDA sa publiko ang pagbili at paggamit ng mga nilalakong herbal supplement.
Partikular na tinukoy sa kanilang ang advertisement ng Turcumin herbal food supplement na nagsasabing suportado ng mga pag-aaral sa US ang kanilang therapeutic claims.
Sang-ayon sa pahayag ng FDA, ang mga therapeutic claims ay dapat dumaan sa clinical trial at nakarehistro sa ilalim ng “Drugs” at hindi sa “Food” category.
Babala ni FDA head Kenneth Hartigan-Go, ang pag-inom ng ganitong mga pekeng food supplements na nagpapanggap bilang prescribed medicines ay makapaminsala sa kalusugan at maaring mauwi sa kamatayan kung hindi nagamot ng tama.
Kabilang sa mga naglipanang herbal food supplement ngayon ay nagsasabing nakakagamot ng kanser, sakit sa puso at atay, highblood pressure, diabetic at umano’y pampasigla sa sex sa mga kalalakihan. (JOHNNY ARASGA, REMATE)