BACOLOD CITY - Matahimik at mapayang manirahan sa loob ng sementeryo. Ito ang paglilinaw ng isang biyuda na si Mrs. Pangging ng Bacolod City taliwas sa pag-akala ng karamihan na nakakatakot pumunta sa sementeryo dahil sa mga patay.
Ayon kay Pangging, 15 taon na itong natutulog sa loob ng Burgos Public cemetery sa lungsod ng Bacolod na parang bahay na nito.
Sinabi nito na simula nang mamamatay ang kaniyang mister ay hindi nito makaya na magkalayo sila kaya nagdesisyon ito na doon na lamang palagi matulog sa tabi ng nitso.
Naging kabuhayan na ni Manang Pangging ang pagbebenta ng kandila sa naturang sementeryo.
Sinabi nito na sa mahabang panahon na nasa sementeryo ito natutulog ito katabi ang nitso ng mister at ng iba pang mga namatay.
Wala naman daw itong nararamdaman na kakaiba at nakakatakot dahil mahimbing ang kaniyang tulog sa naturang sementeryo.
Samantala, kahit bisperas pa lang ng araw ng mga patay ay maraming tao na ang dumadalaw sa puntod ng kanilang pamilya na sumakabilang buhay na.
Kabilang sa mga ito ang pamilya Alisbo na nagsagawa ng kanilang taunang pagpapabihis sa bangkay ng kanilang lolo na inilibing noong 1941 pa.
Napag-alaman na may-ari ng isang funeral parlor ang pamilya at inihabilin ng kanilang lolo na si Mateo Cordova na i-preserve ang kaniyang bangkay kung ito ay mamatay.
Hanggang ngayon ay intact pa rin ang bangkay ni Cordova dahil sa pag-alaga ng kaniyang pamilya. | via@BomboRadyo_Bacolod
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Misis, 15-taon nang nakatira sa sementeryo para tumabi sa nitso ng mister.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Friday, October 31, 2014
6:35 PM