BACOLOD CITY – Nakalaboso at nahaharap sa kasong rape o panghahalay ang isang nurse sa Brgy. Villamonte, Bacolod City.
Nakakulong sa Police Station 4 si Ian Dexter Chin matapos kinasuhan ng 28-anyos na biktimang babae na may sakit na polio na kaniya ring textmate.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, matagal ng magka-textmate ang dalawa at noong Miyerkules, Oktubre 22, nagkita sila sa isang fast food restaurant.
Niyaya ni Chin ang biktima na pumunta sa kanilang boarding house at sumama naman ang babae.
Bumili ng alak ang suspek at nag-inom sa loob ng boarding house na nagresulta sa panghahalay nito sa babae.
Samantala, lingid sa kaalaman ng suspek, nag-text ang biktima sa pamilya nito na hanapin ang kaniyang kinaroroonang boarding house sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng direksiyon.
Agad namang rumesponde ang pamilya kasama ang mga tanod at opisyal ng barangay kung saan kanilang natagpuan ang boarding house at nailigtas ang biktima ngunit batay sa medical examination, ito ay positibong nagalaw. report from Bombo Radyo Bacolod
Latest
Advertisement
Pinoy Blogger
Nurse, kulong dahil sa panghahalay sa texmate na polio victim.
Posted in TambayanNiJondelPH.blogspot.comPosted at Sunday, October 26, 2014
6:13 PM